Ibayo Bridge Ribbon Cutting
Sa Purok 4, Ibayo sa Bayan ng SUBIC Kasama sina Mayor Jon Khonghun ng Subic, Congressman Jay Khonghun ng Zambales District 1, Mayor Jeffrey Khonghun ng Castillejos at bisitang si Ms. Aiko Melendez Councilor ng Quezon City ay ginanap ang ribbon-cutting ceremony ng bagong gawang tulay.
Ang tulay ay bilang tugon sa problemang palagiang pagkakaisolate ng nasabing purok tuwing may bagyong dumarating at binabaha ang nasabing lugar.
Ito ay natapos sa loob lamang ng 2 buwan upang mabilis na magamit ng ating mga taga Ibayo Subic.
Dumalo rin sa naturang seremonya ang iba’t-ibang opisyal gaya ng mga kapitan ng iba’t-ibang barangay, mga konsehal, mga board member at iba pang mga grupo na nakibahagi sa masayang pagpapasinaya sa nasabing tulay.